Sunday, April 02, 2006

1017.

Sa bahay namin ay mistulang may Proclamation 1017 ngayon. Ang mga tao ay waring naka-House Arrest. Naghihintay, nag-aabang sa anumang balita o pagkilos na maihahayag o magaganap. Damang-dama ang kaba at pagkabalisa para sa kung ano mang magiging hakbang ng nakatataas--kikilos ba o mananatili sa kinalalagyan? Tawag dito, tawag doon. Mistulang deja vu ng isyung Hello Garci. Tensyonado ang paligid, na tila bang may napipintong State of National Emergency...

Ang O.A., no? Yan ang mismo kong nararamdaman.

Sinabi ko na sa sarili ko na hinding-hindi na ako magrereklamo. Pero bilang tao, hindi ko yata kaya. Tulad ng hindi ko pag-kaya sa mga nangyayaring tila paulit-ulit lang. Para itong Martial Law na ipinapataw every 20 years or so.

Heto na naman tayo. Parang kailan lang---at hindi ko pa naman nami-miss ang mga ganitong sitwasyon ng nakaraan. Ano ito, kamo? Simple lang: isang malaking kaso ng Things Blown Way Out of Proportion. Sa madaling salita, O.A.

Bakit ba kasi hindi tayo matutong maghintay? Kaunting pasensya lang naman ang kailangan, at masusulosyunan na rin ang ating mga hinaing at suliranin. Hindi kasi maaaring sa tuwi-tuwina ay dinadaan natin ang ating mga kilos sa padalos-dalos na pamamaraan at pagdedesisyon. Halimbawa na lang, kung siguro si GMA ay nakapag-tiis ng kaunti at hindi tumawag kay Garci para kumpirmahin ang kanyang pagkapanalo, hindi siguro aabot ang mga bagay sa ganito.

Sa totoo lang, sawang-sawa na ako. Ngayon ko na tunay na nararamdaman ang saloobin ng Sambayanan.

At wala man lang itong kinalaman sa kung ano ang nangyayari sa akin ngayon, ha.

Tama na, sobra na, palitan na...kung ano mang dapat palitan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home