Thursday, November 16, 2006

alone again....naturally.

Mag-isa na naman ako ngayong hapon. Mag-isa ngayon sa malaki at mala-North Pole na kwarto sa opisina. Mag-isa mamaya sa malaki at mala-North Pole din na kwarto sa bahay. Sabi nga ng kanta, "Alone again....naturally."

Mas maayos na ang pakiramdam ko ngayong araw na ito kesa sa mga nakaraang araw. Madilim pa rin ang paligid at kapansin-pansin na lumalamig na ang simoy ng hangin. Pero hindi na masyadong nakiki-sabay sa panahon ang pakiramdam ko. "Nag-effort" kasi ako, makawala lang sa depresyong dala sa akin ng mga nakaraang araw--kumain sa labas at namasyal kasama ng kapatid ko, nanood ng bagong pelikulang James Bond, gumala at nagliwaliw wag lang makulong sa malungkot at madilim na bahay. Effective, sa totoo lang.

Pero mauubusan na yata ako ng pampalipas-oras. Ano naman kaya ang gagawin ko mamaya? Aalis ang kapatid ko, gigimik na naman kasama ang mga kaibigan niya. Ang mga kaibigan ko, busy naman sa kani-kanilang trabaho't buhay eskwela. Alangan namang gumimik ako mag-isa. Loser.

Kung may kotse lang ako, susundin ko ang payo ng Eraserheads noon--magda-drive ako hanggang...buwan. Hayyy. Miss ko na ang dating E-heads.

Miss ko na din ang dating hectic kong buhay.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home