Sunday, September 24, 2006

hay naku.

12:09 pm. Bakit nga ba ako pumasok ngayon? Ah kasi may meeting. Yata. I remember distinctly na pinag-usapan yun nung Friday--"O. Monday. Lunchtime ha?" Oo. Kasi may shoot sa Wednesday, at kailangan munang mag-usap para doon ngayong Monday. Pero asan kayo, mga ungas?! O baka naman mali ako. Baka inimagine ko lang yun. O kaya ibang Monday ang pinag-usapan. Sabagay, madami pa namang pwedeng gawin. Kasi mukhang madami pa namang trabaho. Tulad ng paggawa ng 4 na syllabus na dapat handa na bago mag next sem. Kamusta naman yon diba? Medyo nakaka-burat isipin na parang hindi umusad ang trabaho simula nung umalis ako, except dun sa project na mukhang mga estudyante ang nagpa-galaw. Sabi ko nga e. Tsk-tsk, ang mga boss talaga. At pano naman kaya ako hihiram ng paggagayahang syllabus sa lib eh hindi naman ako estudyante dito. I mean, hindi na ko enrolled. Pano, ha? Ha?! Ewan.

Kausap ko si Mama kahapon. Tsaka si Angel. Nung kausap ko siya, grabe, para akong pinapatay ng kalungkutan. At lalo na nung nalaman ko na hinahanap niya ako kay Mama paggising niya, kasi yata akala niya sandali lang ako aalis. Syet, ang lupit nun. Mega-hagulgol. Nasabi ko tuloy sa sarili ko, "Ang engot mo kasi, uuwi-uwi ka pa." Eh ganun eh. Tanga yata talaga ako.

Andito na si Leni. At tinext ko na si Foom. Dumating na kayo, please!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home