new year's resolutions, automated karma and lovesh*t inuman blues
Anj's New Year's Resolution #1: STOP SNOOPING AROUND LIKE YOU'RE FREAKING SHERLOCK HOLMES!!!
True. Yan ang una kong resolution para sa bagong taon. Bakit? Kasi, masarap man makarinig ng tsismis, minsan mas mabuti pa yatang wala kang masyadong nalalaman. Kasi, oras na may malaman ka na hindi mo naman gustong malaman (as in!), bad trip yon. Kaya minsan mas mabuti pang oblivious ka sa detalye ng mga bagay-bagay.
*****
Madalas sabihin ng kapatid kong si Anna na dapat mag-ingat daw tayo kapag naka-mean girls mode ang utak natin. Kasi automated na daw ngayon ang karma. Yung tipong pag sinubuan mo ng card, may lalabas na something--may resibo pa.
Kahapon, napatunayan ko yun. Pero ayoko nang i-detalye. Mamaya, bigyan pa ko ng Christmas bonus eh. Thank you na lang.
*****
Pag malapit na ang pasko, para nago-on yung switch sa mga utak ng tao to inom-mode. Yung iba, kasi may reason to celebrate (bagong raket, masayang lovelife, bagong prospect...hmmm...). Yung iba naman, para makalimot sa lamig na dulot ng paskong mag-isa (mag-isa sa lovelife, mag-isa sa bahay, mag-isa sa...lahat ng bagay).
Nagsimula yun nung nag-party si Anna for her 21st birthday. Kung ano-anong mga timpla na pinangalan sa mga lugar (of their origin, I bet) ang natikman ko. Ultimo dessert, may tama. Ahihihi.
Tapos nung Lunes, kasama naman ang Los Lonely Boys (yun na yung bago kong tawag sa kanila. Pero wag na nating pangalanan, kawawa naman :p) sa Sarah's. Kailangan daw kasi nila ng female perspective tungkol sa mga isyung pag-ibig na babae lang daw ang makakapagbigay-linaw.
Tapos kahapon, kasama si Leni at ang "kids". Na syempre nauwi sa isang mahabang diskusyon tungkol--saan pa?--sa pag-ibig. Or lack thereof. Siyempre, bilang nakatatanda (hindi naman masyado), gusto din nilang marinig ang mga opinyon ko (aray) tungkol sa--ano pa nga ba?--pag-ibig. Teka, teka. Parang may mali. Kasi parang hindi yata ako ang tamang resource person para sa mga ganyang klaseng topic. Hehehe.
*****
Sa 16 magkakaron kami ng joint Christmas party ni Anna dito sa bahay, kasama ang kanya-kanya naming mga kaibigan. Siguradong mauuwi na naman yun sa usapang...ano pa nga ba?
Isa lang ang masasabi ko dyan: Para sa mga masaya at hindi nag-iisa ngayong Pasko, i-celebrate natin yan. Para naman sa mga nasa kabilang dako ng bakod, let's drink to that! Ahahahaha.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home