Monday, December 18, 2006

suka muna bago suko (wahehe).

ito ay isang mahabang update tungkol sa isang mahabang (at napakasayang) linggo. sa wakas--i feel the christmas spirit! yebah.

thursday, 12/14
pagkatapos ng paghagilap sa boss ko para magpapirma ng mga dapat pirmahan, tuloy-Carolfest 2006 na kami sa UP theater. medyo kinakabahan pa kami ni Jon kasi medyo malupit na sablay yung dry-run nung choir isang oras bago ang call-time. nyiii. pero, in true arki fashion, Arkaira (yung choir) was able to pull a pretty good performance (jingle-jingle, jingle-jingle-jingle....). nanalo pa kami ng third place! hanep. tapos nakakita pa kami ni leni ng mga cute na performers (hi, mr. muscles ng pep drummers :p).

pagkatapos ng Carolfest, we went to Sarah's to join the boys. Tutugtog kasi sila sa Maskipaps ng Eng'g, kung saan magde-debut ang KING JAMES SUBJECTS. yun yung (sa wakas) pangalan ng banda nila foom, james, chino at emong--wag nyo nang tanungin kung bakit yun ang pangalan nila, hindi ko din masasagot. ayos na sana yung performance nila---kaso sablay. hehe. pero in fairness, kaya pa ni James mag-bass habang mega-bangenge. wehehe. past 12 na ako nakauwi, nag-bonding pa kami ni leonard sa taxi pauwi. hahaha.

friday, 12/15
paglabas ko pa lang ng taxi sa harap ng arki, medyo na-sense ko na na parang may mali. unang-una, parang walang tao sa arki, samantalanag yung yung araw ng lantern parade. pangalawa, nakatambay si sir nick sa harap ng arki, sambakol yung mukha and texting furiously on his cellphone. pagpasok ko ng office, naunawaan ko bigla. sabi ni ate agnes, wala daw lantern parade na magaganap. huwaaaat?! kelan pa nangyari yun? kasi daw, magkakaron daw ng malaking protest dahil ibababa na daw yung decision regarding the tuition fee increase.

owenonamanngayon? wala naman yung kinalaman sa parada ng lantern na pinaghirapan ng mga estudyante. pero for security reasons na lang daw. bwisit na bwisit tuloy ang mga tao. lalo na si sir nick at ang mga 3rd year (na gumawa nung langtern). nanalo pa naman sila ng most creative lantern. tapos ang dami pang tao na nag-aabang. yung dad nga ni sir alex lumuwas pa from palawan just to watch. naawa nga ako dun sa isang mama na may kasamang bata. sabi kasi niya, "Sayang, first time pa naman sana ng anak ko makakapanood ng parada."

sa badtrip ng mga tao, napagdesisyunan nila (pati faculty ha) to defy the chancellor's memo and parade the lantern around UP, even if it means kami lang yung magpa-parada. pero hindi kami pinayagan ni dean. badtrip, gumawa pa naman ng kanta si sir nick para lang dun. parang end of the world na nung mga panahong yun na nagmumukmok yung mga estudyante sa labas ng admin, habang isang mainit na diskusyon among the faculty ang nagaganap sa loob.

finally, the college reached a compromise. hindi kami paparada. instead, we'll just go to our booth (which won first place too), pick up the lantern and belen, and sing our rendition of tuloy-tuloy pa rin ang pasko. so fine, kami ay nagtungo sa booth. at nag-picture ng 10,000 times along the way. ang init, at nakakapagod, pero masaya. masayang magsama-sama as a college despite the tension in the university air. masayang mag-picture AF style (meaning, nakaharang sa kalsada, blocking traffic). masayang kumanta ng, "...sapat nang ang ARKI ang kasama nyo, tuloy na tuloy pa rin ang pasko!" basta, masaya.

pagbalik naman sa college, nag-simula na silang mag-setup for the party to follow. ako naman, bumalik sa office at nagpalamig sa aircon. nagutom ako at nilabas ang regalo sa akin ni leni na carrot cake (na ayon kay sir danny ay super-sarap, yihee) at shinare sa faculty na nakatambay dun (sir danny, sir o, lolo jojo and dean luis). maya-maya may wine nang binuksan....patay na. a couple of glasses of wine and a plateful of lechon later, medyo weng-weng na kami. including the dean. nakakatawa pala sila pag medyo tipsy. and you thought your professor were as straight as rulers. isang malaking HINDI NO!!! hehe.

pero since badtrip pa rin yung mga 3rd year at gusto pa ring mag-parade (kung hindi daw boboycottin nila yung party), napag-isipan naming kausapin sila, talk some sense into them. may konting iyakan, mahabang advice portion, mga words of wisdom and encouragement. buti naman at nakinig sila. tama sila sir danny: it's bad to be sore losers, but to win and still sourgrape over it is even worse.

tuloy ang party. but not after dinner inside the dean's office. grabe, ngayon lang ako napadpad dun, nakakain pa ko. hahaha. pamatay yung sinampalukan, ang lupet. tanggal-amats. yum!

paglabas ko, sakto namang dating ng beer and whatnot na pinag-ambag-amabagan ng mga tao. may games din, tugtugan. super kulitan and super fun, in general. sinong nagsabi na mapipigilan kaming magsaya ng pagpigil saming magparada? eto sayo cao, um!

pagkatapos, sarah's ulit. this time, wala nang inuman (sila lang), chillax lang. para bang nagko-kondisyon ng katawan para sa isang masayang bukas. yihee!

saturday, 12/16
ang hirap gumising ng maaga after a late night of merrymaking. pero kailangan, kasi may lunch party kami sa HTC with the lolos and the team members. ang traffic, nawala pa kami ni cheska at dax (kasi hindi ako marunong mag-process ng directions na baliktad). at sa wakas, nakarating din kami sa little quiapo. it was soooo worth it. ang sarap--karekare, sinigang na sugpo, bangus, pancit, lechon kawali, leche flan, coke at isang bundok ng kanin. heaven! may take home pa. yummmm...

tapos, pumunta na kami sa sm nila cheska, dax at foom para mag-grocery for the party later and to wait for leni and mara. tapos, uwi na para simulan ang saya!

what can i say--party of the year na itoh!!!! ang saya, ang daming tao, ang daming food, ang daming booze, ang lupet ng magic sing moments--at mas malupet ang lasing moments. grabe. all-nighter ito! sabi nga sa kanta, "rak en rol hanggang umaga!" wiiiiiii!!!!!

salamat sa mga pumunta: leni, foom, james, jay, joel, dylan, sudar, cheska, saku, jika, dax, jas, pat, loz, jiddu, jax, faye, joe, jon, bea, christian, mara, andrea, mariel, arlene, sa friends ni anna, sa san mig light, sa red horse, sa gsm blu, tanduay, at iba pa.

quote of the night: "Wag nyo ko dalhin sa tambakan! Ayoko magpa-tambak!"--Jax "You Tube na Ito" Chang

grabe, pag ganun kasaya, hindi mo mapipigilan na maramdaman ang christmas spirit. sabi nga nila, huli man at magaling, naihahabol din. or something like that.

sunday, 12/17
buong araw na akong natulog kahapon, inaantok pa din ako. iba talaga ang exhaustion na dala ng isang tambak na saya. sabagay, mas gusto ko na yon kesa naman pagod ka na, malungkot ka pa. dun na ko, anytime!

lumabas na din ang daddy from the hospital. at since isang linggo na lang before christmas, na-feel ko bigla ang urgency na mag-plano ng noche buena menu. this year, simple lang siguro. hind naman kailangan ng sobrang bongga. isa pa, hindi ko mapigilang mag-isip na madaming tao na ni wala man lang pambili ng pagkain pang-araw-araw, let alone for noche buena. kaya simple lang dapat. mahirap ang buhay eh. basta ang goal ko lang sa pasko ay ang mag-simba, na matagal ko nang hindi ginagawa. nakaka-guilty nga na habang ang dalas kong mag-good time kasama ang mga kaibigan ko, hindi pa ako nakakapag-simbang gabi. simulan ko kaya mamayang madaling araw? :)

MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home