Thursday, June 16, 2005

Ang Sarap

Mas masaya ako ngayon--di hamak. Mas maganda ang gising, mas excited sa mga bagay na maaaring mangyari. Tahimik ang bahay, tatlo lang kami ng pinsan ko at kapatid, nanonood ng NBA. Kahit natatalo na ang paborito naming team, okey lang...pakiramdam ko pa rin ay para bang ako ay lumulutang sa kawalan--tahimik, malaya, walang kaproble-problema.

Para akong isang presong lalaya matapos ang matagal na pagkakakulong. Aalis ako mamaya patungo sa ibang lugar--kung saan walang problema, walang isyu, walang masamang pwedeng masabi o mangyari.

Hindi, hindi naman ako magpapakamatay--sa halip ay susubukin kong mabuhay. Hahanapin ko ang buhay na gusto ko, at ang buhay na para sa akin. Sandali lang naman ako mawawala--mga dalawa o tatlong araw lang. Ni hindi man lang mararamdaman ng iba na nawala ako kahit saglit. Pero siguro yun na ang dalawa o tatlong araw na magiging makahulugan sa buhay ko. Sa wakas, makakapag-isip ako nang walang nagdidikta, makakapagsalita nang walang kumokontra. Iniisip ko pa lang parang ang sarap na. Hay.

Excited na ako. Matagal ko na ring ninais ang ganitong klase ng lakad, pero madalas na nahahadlangan--ng tao, ng ibang bagay na "mas mahalaga". Pero akala ko lang yon.

Ngayon nagkakaroon na ako ng ideya kung ano talaga ang dapat na mahalaga para sa akin, kahit mula ito sa hindi magandang pagkakataon at sitwasyon. Pero nagpapasalamat pa rin ako na nagsisimula na akong mamulat.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home