Looking Back
Ngayon lang yata ako nakapag-blog ng alas-4 ng umaga. Umalis na kasi kaninang 3:30 ang mga kamag-anak ko pabalik sa US. Malungkot na naman ang bahay, tahimik (sabagay, tahimik naman pala talaga pag madaling araw, diba?). Hindi na ako makatulog, kaya nakikinig na lang ako ng opera habang nanonood ng replay ng game 6 ng NBA (lintek na Spurs yan, oo!). There's something poetic about what I'm doing, I'd like to believe--pero sa totoo lang ginagawa ko lang 'to para di ako ma-praning at matakot sa pagkatahimik-tahimik na bahay na ito.
Alas-5 na at maliligo na ako mamayang 6. Pupunta kasi ako sa DFA para mag-renew ng passport (sa wakas) nang maipadala na ang mga requirements para sa aking VISA. Mabilis lang daw yun basta't naipadala na--siguro early next year sa US na ako magba-blog ng madaling araw. Excited ako--mas nangingibabaw na yun kesa sa lungkot at pag-aalala. Ewan ko ba, madami rin kasing nagbago sa loob ng nakaraang buwan. Ayoko na munang isipin.
Mamayang hapon pupunta ako sa arki, hihiram ng notes--tig-1 na ang absent ko sa 72 at 73. Nagkasakit din kasi ako, tapos nung gumaling na, parang tinamaan ng katamaran. Ngayon lang naman yon. Malaking factor din yung pag-alis ng mga kamag-anak ko--syempre, matagal ulit bago kami magkita-kita, kaya nilubos ko na ang natitira kong panahon kasama sila. Pero sabi ko nga, ngayon lang 'to. Mamaya, pagsikat ng araw, back to reality.
Naging makabuluhan naman ang nakaraan kong buwan, kahit medyo ma-drama at maraming issue. Nakita at nakasama ko na naman ang maraming taong malapit sa akin pero bihira kong makita; nagkaroon ulit ako ng pagkakataong maging bata instead of acting all adult-like and mature. Sabihin na lang natin na namulat ako sa katotohanan ukol sa maraming bagay--I've seen the light.
Nakakatawa na nakakaiyak. Pero mas nagingibabaw yung feeling ng pag-asa--sa ngayon at sa lahat ng maaaring mangyari sa hinaharap. Ang sarap.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home