Wednesday, June 29, 2005

Minsan 2

Minsan, may mga taong kahit ang tagal na ng panahong nakaraan, hindi pa rin makalimot. Maka-"get over", ika nga.

Minsan ang dali nating magsalita nang hindi iniisip kung ano ang sasabihin natin.

Minsan ang tao parang pan-commercial ng sabong panlaba. "Ako, ako, lagi na lang ako." Sana minsan ako naman, diba?

Minsan dinadaya tayo ng sarili nating pag-iisip na dinadaya tayo ng ibang tao--pero sa totoo lang, nauna ka namang mandaya. Ang daya, diba? Ang gulo pa.

Minsan masarap na mag-isa ka lang. O kaya dalawa kayo sa Oz, kumakain ng torta habang inilalabas ang inis sa mundong kay-daya. (Diba, Leni?)

Minsan kung ano-anong ka-weirdohan na lang ang nakikita mo sa telebisyon, para bang ikaw ang naka-drugs at ang weirdo. Pero sila pala talaga.

Minsan hindi mo mapigilan ang sarili mo.

Minsan magsusulat ka tungkol sa "wala lang" at hahayaang makita ng ibang tao sa internet.

Pagbigayan na...minsan lang naman e.

1 Comments:

Blogger the little monster said...

oo nga... minsan mas masaya pa na wala kang kasama. or 2 lang kayo basta gusto mo yung kasama mo... :D

9:12 AM, June 29, 2005  

Post a Comment

<< Home